Pumunta sa nilalaman

Zinc

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sink)
Zinc, 30Zn
Zinc
Hitsurasilver-gray
Pamantayang atomikong timbang Ar°(Zn)
  • 65.38±0.02
  • 65.38±0.02 (pinaikli)[1]
Zinc sa talahanayang peryodiko
Hydrogen Helium
Lithium Beryllium Boron Carbon Nitrogen Oxygen Fluorine Neon
Sodium Magnesium Aluminium Silicon Phosphorus Sulfur Chlorine Argon
Potassium Calcium Scandium Titanium Vanadium Chromium Manganese Iron Cobalt Nickel Copper Zinc Gallium Germanium Arsenic Selenium Bromine Krypton
Rubidium Strontium Yttrium Zirconium Niobium Molybdenum Technetium Ruthenium Rhodium Palladium Silver Cadmium Indium Tin Antimony Tellurium Iodine Xenon
Caesium Barium Lanthanum Cerium Praseodymium Neodymium Promethium Samarium Europium Gadolinium Terbium Dysprosium Holmium Erbium Thulium Ytterbium Lutetium Hafnium Tantalum Tungsten Rhenium Osmium Iridium Platinum Gold Mercury (element) Thallium Lead Bismuth Polonium Astatine Radon
Francium Radium Actinium Thorium Protactinium Uranium Neptunium Plutonium Americium Curium Berkelium Californium Einsteinium Fermium Mendelevium Nobelium Lawrencium Rutherfordium Dubnium Seaborgium Bohrium Hassium Meitnerium Darmstadtium Roentgenium Copernicium Nihonium Flerovium Moscovium Livermorium Tennessine Oganesson


Zn

Cd
tansoZincgalyo
Atomikong bilang (Z)30
Pangkatpangkat 12
Peryodoperyodo 4
Bloke  d-block
Konpigurasyon ng elektron[Ar] 3d10 4s2
Mga elektron bawat kapa2, 8, 18, 2
Katangiang pisikal
Pase sa STPsolido
Punto ng pagkatunaw692.68 K ​(419.53 °C, ​787.15 °F)
Punto ng pagkulo1180 K ​(907 °C, ​1665 °F)
Densidad (malapit sa r.t.)7.14 g/cm3
kapag likido (sa m.p.)6.57 g/cm3
Init ng pusyon7.32 kJ/mol
Init ng baporisasyon115 kJ/mol
Molar na kapasidad ng init25.470 J/(mol·K)
Presyon ng singaw
P (Pa) 1 10 100 1 k 10 k 100 k
at T (K) 610 670 750 852 990 1179
Katangiang atomiko
Mga estado ng oksidasyon−2, 0, +1, +2 (isang anpoterong oksido)
ElektronegatibidadEskala ni Pauling: 1.65
Mga enerhiyang ionisasyon
  • Una: 906.4 kJ/mol
  • Ikalawa: 1733.3 kJ/mol
  • Ikatlo: 3833 kJ/mol
  • (marami pa)
Radyong atomikoemperiko: 134 pm
Radyong Kobalente122±4 pm
Radyong Van der Waals139 pm
Color lines in a spectral range
Mga linyang espektral ng Zinc
Ibang katangian
Likas na paglitawprimordiyal
Kayarian ng krystalhexagonal close-packed (hcp)
Hexagonal close packed crystal structure for Zinc
Bilis ng tunog manipis na bara3850 m/s (sa r.t.) (nakarolyo)
Termal na pagpapalawak30.2 µm/(m⋅K) (at 25 °C)
Termal na konduktibidad116 W/(m⋅K)
Elektrikal na resistibidad59.0 nΩ⋅m (at 20 °C)
Magnetikong pagsasaayosdiymagnetiko
Molar na magnetikong susseptibilidad−11.4×10−6 cm3/mol (298 K)[2]
Modulo ni Young108 GPa
Modulo ng tigas43 GPa
Bultong modulo70 GPa
Rasyo ni Poisson0.25
Eskala ni Mohs sa katigasan2.5
Subok sa katigasan ni Brinell327–412 MPa
Bilang ng CAS7440-66-6
Kasaysayan
PagkakatuklasMga metalurhistang Indiyano (before 1000 BCE)
Unang pagbubukodAndreas Sigismund Marggraf (1746)
Kinilalang bilang kakaibang metal niRasaratna Samuccaya (1300)
Iso­topo Pagkarami Half-life (t1/2) Paraan ng pagkabulok Produkto
Kategorya Kategorya: Zinc

Ang zinc (Kastila: zinc, Ingles: zinc ; mula sa Aleman: zink) ay isang mabughaw-bughaw na puti at makisap na metalikong elementong malutong kung nasa pangkaraniwang temperatura.[3][4][5] Nagiging madali ang pukpok dito kapag nag-iinit, kaya't ginagamit bilang sangkap sa mga aloy o balahak na katulad ng bronse at tansong dilaw. Ginagamit din itong sangkap sa paghihinang at maging bilang pantubog sa yero ng bubungan. Naibukod ni Andreas Sigismund Marggraf ang elementong ito noong 1746.

Ang zinc ay isang elementong kemikal na may simbolong Zn at bilang atomiko 30. Mayroon itong kumikinang na malaabong itsura kapag tinanggal ang oksidasyon. Ito ang unang elemento sa grupong 12 (IIB) sa talahanayang peryodiko. Sa ilang aspeto, kimikal na katulad ng zinc ang magnesyo: parehong elemento na nagtataglay ng isa lamang na karaniwang katuyan ng oksidasyon (+2), at pareho ang laki ng ion ng Zn2+ at Mg2+.[a] Ika-24 na pinakasaganang elemento sa crust o pang-ibabaw ng Daigdig ang zinc at may limang matatag na isotopo. Ang pinakakaraniwang mambato (o ore) ay espalerita (blendang zinc), isang mineral na sulpurong zinc. Ang pinakamalaking gumaganang batumbakal ay nasa Australya, Asya, at Estados Unidos. Pinipino ang zinc sa pamamagitan ng pagpapalutang ng froth o espuma (o bula) ng mambato, pag-iihaw, at panghuling ekstraksyon gamit ang kuryente (elektrodeposisyon).

Isang mahalagang elementong nababakas ang zinc para sa mga tao,[6][7][8] hayop,[9] halaman[10] at para sa mga mikroorganismo[11] at kinakailangan para sa bago at pagkatapos ng panganganak.[12] Ito ang ikalawang pinakasaganang metal na nababakas sa tao pagkatapos ng bakal at ito lamang ang metal na lumilitaw sa lahat ng mga uring ensima.[10][8] Mahalagang sustansya din ang zinc para paglago ng koral, habang isa itong mahalagang kasamang salik para sa maraming ensima.[13]

Nakakaapekto ang kakulangan sa zinc sa mga dalawang bilyong tao sa umuunlad na bansa at naiiugnay sa maraming mga sakit.[14] Sa mga bata, nagdudulot ng retardasyon sa paglago ang kakulangan, gayon din ang naantalang maturasyong seksuwal, madaling tablan ng impeksyon, at diyareya.[12] Ang mga ensima na may isang atomong zinc sa gitnang reaktibo ay laganap sa biyokimika, tulad ng alkohol-deshidrohenasa sa mga tao.[15] Maaring magdulot ang labis na pagkonsumo ng zinc ng pagkalampa, katamlayan, at kakulangan sa tanso. Sa mga biyomang marina, kapansin-pansin ang mga rehiyong polo, maaring makompromiso ng kakulangan ng zinc ang sigla ng mga pangunahing pamayanang alga, na may potensyal na gibain ang masalimuot na mga estrakturang tropikong marina at dahil dito, apektuhan ang biyodibersidad.[16]

Mga pananda[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Ang mga elemento ay mula sa iba't ibang pangkat ng metal. Tingnan ang talahanayang peryodiko.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. "Standard Atomic Weights: Zinc" (sa wikang Ingles). CIAAW. 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Weast, Robert (1984). CRC, Handbook of Chemistry and Physics (sa wikang Ingles). Boca Raton, Florida: Chemical Rubber Company Publishing. pp. E110. ISBN 0-8493-0464-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. English, Leo James (1977). "Sink, zink, zinc, bluish-white metal". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1239.
  4. De Guzman, Maria Odulio (1968). "Zinc, oksido de si(n)k". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 195.
  5. Gaboy, Luciano L. Zinc - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  6. Maret, Wolfgang (2013). "Zinc and Human Disease". Sa Astrid Sigel; Helmut Sigel; Roland K. O. Sigel (mga pat.). Interrelations between Essential Metal Ions and Human Diseases. Metal Ions in Life Sciences (sa wikang Ingles). Bol. 13. Springer. pp. 389–414. doi:10.1007/978-94-007-7500-8_12. ISBN 978-94-007-7499-5. PMID 24470098.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Prakash A, Bharti K, Majeed AB (Abril 2015). "Zinc: indications in brain disorders". Fundam Clin Pharmacol (sa wikang Ingles). 29 (2): 131–149. doi:10.1111/fcp.12110. PMID 25659970. S2CID 21141511.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 Cherasse Y, Urade Y (Nobyembre 2017). "Dietary Zinc Acts as a Sleep Modulator". International Journal of Molecular Sciences (sa wikang Ingles). 18 (11): 2334. doi:10.3390/ijms18112334. PMC 5713303. PMID 29113075. Zinc is the second most abundant trace metal in the human body, and is essential for many biological processes.  ... The trace metal zinc is an essential cofactor for more than 300 enzymes and 1000 transcription factors [16]. ... In the central nervous system, zinc is the second most abundant trace metal and is involved in many processes. In addition to its role in enzymatic activity, it also plays a major role in cell signaling and modulation of neuronal activity.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Prasad A. S. (2008). "Zinc in Human Health: Effect of Zinc on Immune Cells". Mol. Med. (sa wikang Ingles). 14 (5–6): 353–7. doi:10.2119/2008-00033.Prasad. PMC 2277319. PMID 18385818.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 Broadley, M. R.; White, P. J.; Hammond, J. P.; Zelko I.; Lux A. (2007). "Zinc in plants". New Phytologist (sa wikang Ingles). 173 (4): 677–702. doi:10.1111/j.1469-8137.2007.01996.x. PMID 17286818.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Zinc's role in microorganisms is particularly reviewed in: Sugarman B (1983). "Zinc and infection". Reviews of Infectious Diseases (sa wikang Ingles). 5 (1): 137–47. doi:10.1093/clinids/5.1.137. PMID 6338570.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 Hambidge, K. M. & Krebs, N. F. (2007). "Zinc deficiency: a special challenge". J. Nutr. (sa wikang Ingles). 137 (4): 1101–5. doi:10.1093/jn/137.4.1101. PMID 17374687.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Xiao, Hangfang; Deng, Wenfeng; Wei, Gangjian; Chen, Jiubin; Zheng, Xinqing; Shi, Tuo; Chen, Xuefei; Wang, Chenying; Liu, Xi (Oktubre 30, 2020). "A Pilot Study on Zinc Isotopic Compositions in Shallow-Water Coral Skeletons". Geochemistry, Geophysics, Geosystems (sa wikang Ingles). 21 (11). Bibcode:2020GGG....2109430X. doi:10.1029/2020GC009430. S2CID 228975484.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Prasad, AS (2003). "Zinc deficiency : Has been known of for 40 years but ignored by global health organisations". British Medical Journal (sa wikang Ingles). 326 (7386): 409–410. doi:10.1136/bmj.326.7386.409. PMC 1125304. PMID 12595353.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Maret, Wolfgang (2013). "Zinc and the Zinc Proteome". Sa Banci, Lucia (pat.). Metallomics and the Cell. Metal Ions in Life Sciences (sa wikang Ingles). Bol. 12. Springer. pp. 479–501. doi:10.1007/978-94-007-5561-1_14. ISBN 978-94-007-5561-1. PMID 23595681.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Anglia, University of East. "Zinc vital to evolution of complex life in polar oceans". phys.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-09-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)