Pumunta sa nilalaman

Angelica Lopez

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Angelica Lopez
Si Lopez noong 2023
Kapanganakan
Angelica Danao Lopez

(2000-11-22) 22 Nobyembre 2000 (edad 23)
Bataraza, Palawan, Philippines
EdukasyonPalawan State University (Psychology)
Tangkad1.73 m (5 tal 8 pul)
TituloBinibining Pilipinas International 2023
Beauty pageant titleholder
Hair colorItim
Eye colorKayumanggi
Major
competition(s)

Si Angelica Danao Lopez (ipinanganak noong 22 Nobyembre 2000) ay isang Pilipinang modelo at beauty pageant titleholder na kinoronahang Binibining Pilipinas-International 2023. Kakatawanin niya ang Pilipinas sa Miss International 2024, na gaganapin sa Hapon sa 12 Nobyembre 2024.[1][2]

Buhay at pag-aaral[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nanggaling si Lopez sa isang sambahayang nahihirapan sa pananalapi. Noong siya ay labing-apat na taong gulang, siya ay nagtrabaho bilang tagahugas ng pinggan at tagapagsilbi sa restawran. Nagtrabaho rin siya bilang kahera, klerk ng opisina, at modelo.[3]

Noong Hunyo 2021, pumasok si Lopez sa Palawan State University sa Puerto Princesa, Palawan upang ituloy ang kanyang bachelor's degree sa sikolohiya.[4][5]

Mga paligsahan ng kagandahan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Miss Universe Philippines 2022[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lumahok si Lopez bilang kinatawan ng Palawan sa Miss Universe Philippines 2022 na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay, Kalakhang Manila noong 30 Abril 2022, at nagtapos bilang isa sa Top 16.[6][7] Bukod pa roon, nagtapos bilang isa sa pinalista ng Fashion and Runway Challenge si Lopez, at inuwi rin nito ang parangal na Luxxe ImmunPlus Queen Majestic.[8]

Binibining Pilipinas 2023[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bilang kinatawan ng Palawan, kinoronahan si Lopez Binibining Pilipinas International 2023 ni Binibining Pilipinas International 2022 Nicole Borromeo at Miss International 2022 Jasmin Selberg ng Alemanya sa pagtatapos ng kompetisyon.[9][10] Nanalo rin siya bilang Bb. Spotlight. Kakatawanin ni Lopez ang Pilipinas sa Miss International 2024.[11][12]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Requintina, Robert (28 Mayo 2023). "Angelica Lopez, Anna Valencia Lakrini win Binibining Pilipinas 2023". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hunyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Punzalan, Justine (29 Mayo 2023). "Angelica Lopez of Palawan is crowned Bb. Pilipinas International 2023". Philstar Life (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hunyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Abad, Ysa (29 Mayo 2023). "Who is Angelica Lopez, Binibining Pilipinas International 2023?". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Cabral, Katrina Maisie (29 Mayo 2023). "10 Things You Need to Know About Bb. Pilipinas-International 2023 Angelica Lopez". Preview (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hunyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Caliwara, Karen A.P. (29 Mayo 2023). "Bb. Pilipinas International 2023 Angelica Lopez proud of humble roots". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hunyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Requintina, Robert (1 Mayo 2022). "Miss Universe Philippines 2022 Top 16". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Hunyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Celeste Cortesi crowned Miss Universe Philippines 2022". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 30 Abril 2022. Nakuha noong 30 Hunyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Baguio's Ghenesis Latugat wins Miss Universe Philippines' Fashion and Runway challenge". GMA News Online (sa wikang Ingles). 24 Marso 2022. Nakuha noong 12 Disyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Palawan's Angelica Lopez is Binibining Pilipinas International 2023". Rappler (sa wikang Ingles). 28 Mayo 2023. Nakuha noong 29 Mayo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Santiago, Erwin (29 Mayo 2023). "Angelica Lopez, Anna Valencia Lakrini claim Binibining Pilipinas 2023 crowns". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Mayo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Requintina, Robert (2023-05-28). "Angelica Lopez, Anna Valencia Lakrini win Binibining Pilipinas 2023". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-05-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Punzalan, Justine (2023-05-29). "Angelica Lopez of Palawan is crowned Bb. Pilipinas International 2023". Philstar Life. Nakuha noong 2023-05-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na link[baguhin | baguhin ang wikitext]