Pumunta sa nilalaman

Liwasang Gubat ng Arroceros

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Liwasang Gubat ng Arroceros
Sa loob ng Liwasang Gubat ng Arroceros

Ang Liwasang Gubat ng Arroceros (Inggles: Arroceros Forest Park) ay isang parke sa Maynila sa Pilipinas.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mula 1595 hanggang 1639 at mula 1645 hanggang 1792, ang lugar ng Liwasang Gubat ng Arroceros ay ang lokasyon ng Parian de Arroceros. Ito ay naging Fabrica de Cigarillos noong ikalawang bahagi ng ika-19 na siglo hanggang sa unang bahagi ng ika-20 na siglo. Pagkatapos ng digmaan, ang lugar na ito ay naging lokasyon ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Palakasan (Inggles: Department of Education, Culture and Sports).[1]

Arroceros[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang salitang arroceros, na nagmula noong panahon ng Kastila, ay literal na nangangahulugang magsasaka ng palay. Ito ay nagmula sa salitang arroz na ang kahulugan ay kanin. Minumungkahi nito na ang arroceros ay isang lugar kung saan ang bigas ay inihahatid sa pamamagitan ng mga ruta sa mga ilog at ipinagbibili sa mga mamimili.[1]

Pinaniniwalaang ang Liwasang Gubat ng Arroceros ay nagsilbing lugar kung saan dinadala ang mga kargamento para ibiyahe gamit ang ilog dahil malapit ang liwasan sa Ilog ng Pasig.[1]

Lugar na arkeolohiko[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakuha sa lugar ng Liwasang Gubat ng Arroceros ang maraming bagay na arkeolohiko katulad ng mga seramika na kinabibilangan ng mga tipak na porselana sa galing sa Tsina at Europa, tisa na gawa sa adobe at luwad, mga beads na yari sa salamin, mga tipak ng bote, mga piraso ng metal, iba't ibang butones, bakal na bako, krusipiko na gawa sa metal, mga baryang Espanyol at Tsino, at mga buto at ngipin ng hayon.[1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Bautista, Giovanni G. (2022-10-25). "ARROCEROS FOREST PARK ARCHAEOLOGICAL SITE". National Museum of the Philippines (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-06-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)