Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Enero 14
Appearance
Apatnapung katao patay sa banggaan ng dalawang bus sa pinakamalalang aksidente sa kalsada sa Papuwa Bagong Guniya. (The National)(AFP)
Pitong tao namatay sa pagtatakbuhan sa isang relihiyosong pagdiriwang sa Ganges sa Kanlurang Bengal, Indiya. (BBC)(Press TV)(The Hindu)
Naiulat na pagrarasyon ng elektrisidad sa Beneswela pansamantalang binawi ni Pangulong Hugo Chávez. (El Universal)(AFP)
Pangulong Elbegdorj Tsakhia ng Monggolya nagpahayag ng isang moratoriyum sa parusang kamatayan at nanawagan sa pagkakabuwag nito. (BBC)(Al Jazeera)(China Daily)
Taoiseach Brian Cowen at Punong Ministro Gordon Brown nagpulong para pag-usapan ang paglilipat ng kapangyarihan sa Hilagang Irlanda. (BBC)(The Irish Times)(RTE)