Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hulyo 1
Appearance
Pinlandiya naging kauna-unahang bansa sa mundo na isinama ang pagkakaroon ng mabilis na internet sa mga karapatang pantao. (Radio Australia) (MSNBC) (CNN) (Los Angeles Times)
Hindi bababa sa 35 katao ang patay at mahigit 175 pa ang nasugatan sa tatlong pambobomba sa dambanan ng Data Darbar Sufi sa Lahore. (The News International) (Aljazeera) (BBC)
11 Kurdish, isang sundalo at talong miyembro ng milisiyang Kurdish, bahagi ng pwersa ng seguridad, ang namatay sa labanan sa timog-silangang Turkiy. (Khaleej Times)
Ahmed M. Mahamoud Silanyo nahalal na pangulo ng Somaliland sa pagkatalo nang kasalukuyang nakaupo na si Dahir Riyale Kahin. (Aljazeera)
Libo-libong katao sa Senegal nagluksa sa pagkamatay ng Grand Marabout ng Mourides na si Serigne Mouhamadou Lamine Bara Mbacké. (BBC) (AP) (ABC News)
Anak ng isa sa mga nagtatag ng miyembro ng Hamas kinupkop sa Estados Unidos. (Aljazeera)
Dalawang sundalo patay sa pananambang ng mga pinaghihinalaang miyembro ng Bagong Hukbong Bayan sa bayan ng Sampaloc lalawigan ng Quezon. (PhilStar) (Inquirer) (ABS-CBN News) (GMA News)
Magigit 300 kilo ng droga sinunog sa Tibet. (tibet.cn)
Dalawang taga-Hilagang Korea ikinulong sa South Korea dahil sa planong pagpatay sa isang mataas na opisyal na nagtaksil sa Hilagang Korea na si Hwang Jang-yop. (Yonhap) (BBC)
Pangulong Sharif Ahmed ng Somalya nakilahok sa mga sundalo ng bansa na nasa unang hanay sa mga pakikipaglaban sa pagdiriwang ng ikalimampung taon ng kalayaan ng Somalya. (CNN) (BBC)
Sudan pinakawalan na ang pinuno ng Islamikong oposisyon na si Hassan al-Turabi matapos ang isa't kalahating buwang pagkakakulong nito sa hindi malamang dahilan. (Sudan Tribune) (Al Jazeera) (Press TV)
Katimugang Mehiko niyanig ng 6.2 kalakhang lindol malapit sa bayan ng Pinotepa Nacional, nayanig ang mga gusali hanggang sa Lungsod ng Mehiko subalit walang naiulat na nasugatan o namatay. (National Post)
Pangulong Lee Myung-bak bumisita sa Mehiko para sa muling pagsasabuhay ng kasunduan sa malayang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa. (AFP via Google) (Korea Herald) (Arirang) (Yonhap News)
Dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ngayo'y kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga, isinulong ang pagsusog sa Saligang-batas ng Pilipinas. (Hindustan Times) (Strait Times) (Reuters Africa) (Manila Bulletin)