Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hulyo 5
Appearance
Bansang Iran inakusahan ang Alemanya, Mga Pinag-isang Arabong Emirado at Nagkakaisang Kaharian nang hindi pagbibigay ng gasolina sa kanilang mga pampasaherong eroplano. (BBC News) (Swissinfo) (The National UAE)
Pambansang pagkilos inilunsad sa Indiya bilang protesta sa pagtaas ng mga presyo ng gasolina kamakailan. (Times of India) (CNN) (New York Times)
Hindi bababa sa 11 katao patay matapos ang pagbagsak ng eroplano sa Tuzla, Rumanya. (Mediafax)
Barko-tangke ng mga kemikal hinaydyak sa Dagat na Pula ng mga pirata mula sa Somalya, 18 Pilipino kasama sa mga tripulante. (Reuters Africa) (AP via Google) (Philippine Daily Inquirer)
Komboy ng isang Pangalawang Punong-bayan ng isang bayan sa Lanao del Sur tinambangan, isa patay, dalawa pa sugatan. (ABS-CBN News) (Mindanao Examiner) (People Daily) (GMA News)
Bansang Hapon niyanig ng lindol na may kalakhang 6.3. (UKPA) (Xinhua) (Press Trust of India)
Dalawang suspek sa pambobomba sa himpilan ng isang partido sa Thailand noong nakaraang buwan ibibigay ng Cambodia sa Thailand ngayong Lunes. (Bernama) (Asia One) (Pattaya Daily News)
Isang aktibista patay sa Aklan, kauna-unahan sa pamumuno ni Pangulong Noynoy Aquino. (ABS-CBN News) (Philippine Star) (GMA News)