Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Pebrero 5
Appearance
Hindi bababa sa 22 katao ang namatay at mahigit limampu ang nasugata sa dalawang magkahiwalay na pambobomba sa Karachi, Pakistan. (The Hindu) (BBC) (euronews) (The Guardian)
Hindi bababa sa 32 katao ang namatay at mahigit sa 150 ang nasugatan sa dalawa o higit pang pagsabog sa Kerbala, Irak sa huling araw ng Arbaeen. (Al Jazeera) (The Guardian) (The New York Times)
Hindi bababa sa limang sundalong Ruso ang namatay at anim pa ang nasugatan sa pakikipaglaban sa mga militante sa Chechnya. (RIA Novosti)(Press TV)(News24)
Apat na politikong Briton ang kakasuhan dahil sa pananagutan sa iskandalo ng gastos sa parlamento. (BBC)(Washington Post)
Mga bagong larawan ng Pluto nagpapahiwatig ng mabilis na pagbabago sa anyo nito. (BBC)(National Geographic)(Xinhua)
Katulong na Ministrong Panlabas ng Uganda na si Henry Okello Oryem sinabing "mababago" ang batas na laban sa homoseksuwalidad ng bansa. (BBC)
Ipinahayag ng Hilagang Korea na pakakawalan nila ang Amerikanong pumasok sa bansa noong Disyembre 25, 2009. (The Guardian)(Yonhap)(Korea Times)